Pagiging Botante
Ang pagiging botante ay karapatan ng isang tao para iboto ang kandidatong sa tingin nya ay kayang pamunuan ang isang bansa, lunsod o barangay.
1. Ano sa iyong palagay ang isang ideal na pamahalaan, lider, at botante?
Ang isang ideal na pamahalaan ay kayang tugunan at tulungan sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at ang bansa. Ang ideal na pamahalaan ay kayang tanggalin ang kurapsyon at ang mga illegal na gawain sa lipunan.
2. Paano nagkaroon ng karapatan ang isang tao na bumuto tuwing eleksyon?
Isa sa mga karapatan ng mga botante ay ang pagkakaroon ng kalayaan upang bumoto ng isang mabuti, magaling, at kayang baguhin ang bansa na lider.
3. Gaano kahalaga sa inyo ang iyong buto?
Ang aking boto ay napakahalaga dahil dito lang tayo nagkakapantay pantay mayaman man o mahirap ang, ito ang tumutodok sa kahihinatnan ng isang bansa.
4. Anu-anong katangian ang iyong hinahanap sa mga kandidatong tumatakbo ngayong eleksyon?
Ang mga katangian na aking hinahanap sa isang kandidato ay ang mga sumusunod:
- Kayang ipaglaban ang bansa.
- Kayang baguhin ang ekonomiya ng bansa.
- Pay pagmamahal sa mga tao at sa bansa.
- Kayang tanggalin ang mga illegal na gawain sa bansa.