Subject:
Edukasyon sa PagpapakataoAuthor:
arihooverCreated:
1 year agoAnswer:
Ang kabanalan ay nagsisimula sa damdamin at ang pagpapahayag nito ay kinakailangan upang maibahagi mo ang kabanalan sa iba. Kung sasarilinin mo lamang ang iyong kabanalan, hindi ito mamumunga at hindi ito lalago. Kinakailangan mong mamunga tulad ng isang trigo, at ubas upang masunod mo ang tunay na kahalagahan ng kabanalan. Paaano mo maaaring ipahayag ang iyong kabanalan:Pagtingin sa iba bilang mga kapatid mo sa paglikha at pangangalaga sa kanilang karapatan Pagbabahagi ng kabutihang natanggap mula sa Lumikha Iwasang masiphayo at mabulag ng mga masasamang gawi Panindigan ang pagiging banal Ipahayag ng may dignidad at pagmamalaki ang iyong pananampalataya Pagpapaabot ng kabanalan sa mga makasalanan sa pamamagitan ng pag amin na ikaw sa sarili mo ay makasalanan ngunit pinili mong baguhin at ayusin ang iyong sarili Maging tapat sa sinumpaang pangako sa simbahan na ikaw ay isang Kristyanong sumusunod sa yapak at mga aral ni Kristo. Huwag suwayin ang utos ng Diyos at ipakita sa iba na ikaw ay sumusunod sa mga adhikain ng Kristo para sa simbahan Tumulong sa iba sa oras ng pangangailangan, dahil ang pagtulong ay isang uri ng kabanalan Ipagmalaki ang iyong pagiging Kristyano
Explanation:
Author:
joy2lyx
Rate an answer:
3