Subject:
Edukasyon sa PagpapakataoAuthor:
taliyahCreated:
1 year agoAnswer:
1. Aksyon Agad!
Ayon kay Mr. Bhong Tagalicud na isang matagumpay na negosyante sa Bicol. Ang tagumpay ay isang proseso. Ito ay isang walang humpay na pagpapadalisay sa diskarte hanggang ang isang bagay sa wakas ay gumagana. Nagsisimula ang tagumpay sa pagtatag ng layunin, at ito ay sinundan ng aksyon. Hindi na kailangan pang maging perpekto ang iyong mga layunin at mga aksyun. Ang susi sa tagumpay ay ang simulan agad ito, saan ka man naroroon at ano man ang iyong kinalalagyan; basta importante desidido kang gawin kung ano man ang dapat na gawin. Tanungin mo sarili mo para saan ba yung tagumpay na yan? Or para kanino? Ano ang pinaka dahilan kung bakit mo gusto magtagumpay? Yan ang magtutulak sayo para magtagumpay. (Tip lang… Wag mong gawing dahilan yung gusto mo lang malagpasan ang isang tao… Compete with yourself not with other people… “If you compete with others, you become BITTER, but if you compete with yourself, you become BETTER.”)
2. Katapatan/Integridad
Mula kay Mrs. Aileen Bueno, sinabi niya na katapan o integridad ang dapat taglay nga isang matagumpay na tao. Siya ay isang matagumpay na negosyante sa Bicol. Mahaba at napakahirap ng daan patungo sa tagumpay, at madalas ito’y nangangailangan ng ilang dekada ng walang katapusang pagpupunyagi. Dahil doon, napakaraming tao ang naghahanap ng “shortcuts” sa pamamagitan ng pagsisinungaling, pandaraya, o pagnanakaw ng mga bagay na pinagsikapan ng iba. Iyon ang isang dahilan kung bakit marami ang nakukulong o namamatay. Huwag mong gagawin iyon. Magsikap ka ng maayos, gumawa ka ng mabuti, at tumulong ka sa iba habang ikaw ay nagpupunyagi patungo sa iyong pangarap. Ang mahaba at mahirap na paglalakabay patungo sa tagumpay ay mas mabuti kaysa sa mabilisang landas patungo sa kapahamakan
3. Gamitin Ang Oras ng Maayos
Ayon kay Mr. Brix Tabije na isang nars, kahit sino kaman mayroon kang dalawangput apat na oras sa isang araw. Lahat ng mga tanyag at mga tao naabot ang pangarap nila ngayon ay may roon ding dalawangput apat na oras. Kailangan lang natin ng wasto at tamang paggamit sa oras. Ang buhay ng tao ay maiikli lamang at bakit aaksayahan ang oras? Ano pang hinihintay? Ang unang hakbang ay importante. Kung uunahin mo ang iyong mga prioridad, maggagamit mo ang oras ng maayos. Tandaan ang nawalang oras ay hindi na maibabalik pa. Wag mo akung paniwalaan? Tingnan mo ang iyong orasan. Hindi ito nawawalang oras, ito ay nawawalang buhay.
Bilang isa akong nars ito ang pinakaimportante kong ibabahagi sa inyo and paggamit ng oras sa maayos na paraan. Sa aking trabaho halos lagi akong nasa hospital, walang time sa ibang bagay. Pero dahil sa kagustohan ko na mapalaki ang aking kita hinahati ko ang oras ko na kung saan pinapahalagan ko ang mga importanteng bagay. At sa kakaunti kung oras binubuhos ko sa aking negosyo at sa aking pamilya.
4. Lakas ng Loob
Mula naman kay Mr. Rondolf Valdez, sinasabi niya na lakas ng loob ang isa sa mga susi sa pagiging matagumpay, Siya ay isang matagumpay na Certified Public Accountant. Sa isang tanyag na daglat na mayroong tatlong letra lamang na ang, “CPA” ay may malaking kahulugan sa mga nangangarap mapabilang sa grupo ng mga propesyonal na ito. Ang pagabot ng aking pangarap ay hindi basta basta pero isang kayangin ang gustong ibahagi ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Bilang isang CPA, lakas ng loob ang aking bitbit sa aking pagabot ng aking pangarap mula sa pagtungtung sa kolehiyo ito ang aking baon sa aking sarili. Dahil sa lakas ng aking loob ako’y ngayon may dagdag na tatlong letra sa aking pangalan
Sa hagdan patungo sa tagumpay ng kahit anong larangan man yan ay madaming pagsubok ang iyong haharapin. Dito masusukat ang iyong determinasyon at pagmamahal sa iyong pangarap. Haharapin mo ba ito ng may lakas na loob o hihinto ka sa iyong pinapangarap. Tandaan isang pribilehiyo sa ating mga nangangarap ang makasama sa takbuhan patungo sa ating pangarap na maging isang CPA. Gusto mo bang mabilang sa mga sumuko o sa mga nakatayo sa tuktok at taas noo ipinagmamalaki ang tagumpay? Maniwala sa sarili at buong puso at lakas ang i-alay para sa tagumpay.
5. Harapin at Tanggapin Ang Kabiguan
Si Mr. Bhong Tagalicud naman, isang matagumpay sa larangan ng negosyo, naniniwal na ang mga tanyag na mga tao ngayon ay nakagawa rin ng kabiguan bago nila naabot ang kanilang pangarap. Peru kung nabigu sila bakit nila naabot ang kanilang pangarap? Dahil noon silay nabigo silay sumubok at sumbok ulit hangang naabot nila ang kanilang mga pangarap. Ang mga pag subok ay importante sa pag kamit ng iyong pangarap dahil dito natutu tayo. Binibigyan lang ng kabiguan ng dahilan kung bakit kailangan mas pagiigihan natin sa susunod.
Kaya, maniwala sa kapangyarihan ng pangarap at umpisahan munang abotin ito. Maraming pagsubok kang haharapin, pero kailangan magpaatuloy.
Author:
mekhihr38
Rate an answer:
10