Ang siyam na hakbang ng pananaliksik:
- Pag-pili ng isang paksa
- Pagpapahayag ng iyong layunin
- Paggawa ng isang balangkas na temporaryo
- Pagkakaroon ng paghahanda ng Bibliograpiya
- Pagkakalap ng datos
- Maaari ng gumawa ng konseptong papel
- Pagsusulat ng burador
- Pagrerebisa ng ginawang burador
- Pagsusulat na ang pinal na kopya ng ginawang pananaliksik
Paliwanag:
Ano nga ba ang kahulugan ng pananaliksik?- Masasabing ito ay tumutukoy sa sistematikong paghahanap at pagkakalap na mahahalagang detalye o impormasyon may kinalaman sa isang paksa sa aralin, suliranin at marami pang iba. May kaugnayan ito sa paghahandang mabuti sa bawat ulat para maisagawa ito sa mahusay na paraan. Gayundin, ang bahagi ng isang pananaliksik ay may mga hakbang na dapat gawin. Kung saan, nasasalamin nito ang isang mahusay na pananaliksik.
- Ito rin ay may prosesong pag-unawa, pag-alam tungkol sa maingat na pagsusuri, kasama dito ang kritikal at detalyadong teknik para malaman ang isang bagay (brainly.ph/question/1480905). Kaya pinakikita nito na may mahalagang papel ang pananaliksik sa pag-aaral. Ito ang tutulong para maintidihan ang mahahalagang punto, patunayan na totoo ang mga ebidensiyang nakuha at maunawaan mabuti ang paksa.
Nais mo pa ba makapagbasa higit pang impormasyon? Magtungo at tingnan mo itong mga link na nasa ibaba na may kaugnayan sa paksa:
brainly.ph/question/7509819
brainly.ph/question/5222914
Ekperimental na pananaliksik: brainly.ph/question/2144287
Abstrak na pananaliksik: brainly.ph/question/985776
#BrainlyEveryday