Answer:
MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN Ano ang ponemang malayang nagpapalitan? - Ito ay ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita. Halimbawa: Totoo- Tutoo Lalaki- Lalake Bibi- Bibe Noon- Nuon Dahil sa diin sa lalaki/ lalake ay nasa ikalawang pantig na hindi katatagpuan ng /i/ at /e/ kaya’t hindi nag- iiba ng kahulugan ng dalawang salita. Sa madaling salita, ito ay malayang nagpapalitan. GLOTTAL NA PASARA O IMPIT NA TUNOG Inirerepresenta ito sa dalawang paraan: Kasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng tuldik na paiwa (\) kung nasa posisyong pinal na salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa posisyong pinal ay tinatawag na malumi o maragsa. Halimbawa: Malumi- baga’, puso’, sagana’, talumpati’ Maragsa- baga, kaliwa, salita, dukha Malumi- ito ay binibigkas tulad ng malumay . ang kaibahan lamang ay may impit na tunog sa huli, nagtatapos sa pantig at nilalagyan ng tuldik na paiwa. May diin sa ikalawang pantig mula sa huli. May tuldik na paiwa na itinatapat sa patinig ng huling pantig. Maragsa- ay binibigkas ng tuloy- tuloy na tulad ng salitang binibigkas nang mabilis , subalit ito’y may mga impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito’y palaging nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (^) at ilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita. Tatlong tanda: 1. Tandang pakupya (^) 2. Tandang pabilis (‘) 3. Tandang paiwa (\) B. Inirereprisinta ito ng gitling (-) kapag ito’y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig, tulad halimbawa sa mga salitang may- ari, mag- alis, pang- ako atbp. Pansinin na kapag inalis ang gitling na kumakatawan sa anumang glottal na pasara ay mag- iiba ang kahulugan ng mga salita: mayari, magalis, pangako. Pag- asa, Pag- ibig, Tag- ulan atbp ay maaring hindi na gitlingan sapagkat hindi naman mag- iiba ang kahulugan may gitling man o wala. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
Explanation:
pa brainlest ty po!