Answer:
Kahulugan ng Anekdota
Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, naklilibang o patalambuhay na pangyayari. Nagagamit din ito sa talumpati lalo na sa pagsisimula o sa pagwawa kaso kung may puntos na nais bigyan ng diin ng tagapagsalita.
Ang anekdota ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral.
Halimbawa ng Anekdota
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso.