Answer:
Wika
Ang wika ay tumutukoy sa mga pangkat ng
salita na ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.
Ang pinagmulan ng mga salita sa isang wika ay
arbitraryo o walang sinusunod na pamantayan.
Gayunpaman, ang pagsulat, pagbuo, at
pagasasalita nito ay mayroong sinusundang
syntax. Ang Ingles, Filipino, Japanese at Chinese
ay mga halimbawa ng wika na sinasalita sa Asya.
Ang ilan sa mga katangian ng wika ay ang mga
sumusunod:
• Arbitraryo
Sinasalita
Tunog
●
●
Kahalagahan ng wika
Ang wika ay mahalaga sa isang pamayanan sa
sumusunod na kadahilanan
1. Ito ay gamit sa pakikipagtalastasan
2. Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili
3. Ito ay gamit upang magkaroon ng
pagkakaunawaan
4. Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran
ang isang lipunan
Gamit sa pakikipagtalastasan
Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon
tayo ng pagkakataon na makiusap at
makipagtalastasansa ating mga kapwa
mamamayan o mga kababayan. Ang
komunikasyong ito ang karaniwang unang
hakbang upang maitaguyod ang kabutihan ng
isang lipunan.
Ito ay gamit upang maipahayag ang sarili
Ang wika ang isa sa mga paraaan upang
maipahayag natin ang ating sarili sa iba. May mga
bagay na madadaan lamang sa salita at wika ang
siyang pumupuno sa pangangailangang ito.
Ito ay gamit upang magkaroon ng
pagkakaunawaan
Dahil sa wika, nagkakaroon ng pagkakaunawaan
ang mga mamamayan. Isipin na lang natin na
kung walang wika, mahihirapan tayong ipahayag
ang mga bagay o plano na mayroon tayo para
sa ating lipunang kinabibilangan. Ang wika ang
tulay sa pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa
bawat mamamayan.
Ito ay gamit upang magkaroon ng kaunlaran
ang isang lipunan
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon
ng komunikasyon ang mga tao at nagiging
produktibo ang mga mamamayan. Kapag
produktibo ang mga tao, gaganahan silang
gumawa at kumilos para sa ikabubuti ng buong
pamayanan.
Explanation:
YAN PO HOPE IT HELPS