Si Padre Salvi sa Noli Me Tangere ay ang paring Pransiskano na tahimik, payat, maputla, at mukhang sakitin.
Sa Noli Me Tangere, si Padre Salvi ay ang kurang pumalit kay Padre Damaso matapos na ito ay ilipat sa malayong probinsya. Mula ng siya ay mapunta sa bayan ng San Diego, napukaw ang kanyang pansin ng dalagang si Maria Clara. Ang pagtanging ito kay Maria Clara ay nagtulak sa kanya na magkaroon ng pagnanasa sa dalaga kaya naman makailang ulit itong gumawa ng paraan upang mapalapit sa dalaga.
Maraming kabanata sa Noli Me Tangere ang nagpapakita ng pagkasangkot ni Padre Salvi sa pananakit at kamatayan. Ang una ay ang matuklasan ang nangyari sa labi ng ama ni Ibarra, ang sumunod ay ang pananakit at pagbibintang sa batang si Crispin, matapos ay ang palihim niyang pagtungo sa piknik ng mga kabataan kung saan niya sinilipan ang mga kadalagahan kabilang na si Maria Clara, binalak din niya ang pagpatay kay Ibarra ngunit nabigo siya ng ang taong madilaw ang nabagsakan ng panghugos, at ang pagdidiin kay Ibarra bilang utak ng paghihimagsik at kaguluhan kaya ang huli ay hinatulan ng kamatayan. Siya ang nagdulot ng mga kasawian kay Ibarra bilang pagpaparamdam dito ng kanyang labis na inggit at panibugho para sa pag - ibig ni Maria Clara sa binata.
Keywords: Padre Salvi, kura paroko
Si Padre Salvi: https://brainly.ph/question/2159988
#LearnWithBrainly
Author:
sawyerhcax
Rate an answer:
10