Tanka sa pagbabago 5-7-5-7-7 Tanka sa pag ibig 5-7-5-7-7 Haiku sa kalikasan 5-7-5

Answers 1

Answer:

Tanka sa Pagbabago:

dahil lang sayo

ako ay magbabago

lahat ay alay

pangako sayo mahal

akin kang iniibig

Tanka sa Pag-ibig:

itong pagibig

sayo lang nadarama

sayo lang bigay

pagibig ko na tapat

naway mahalin mo din

Haiku sa kalikasan:

ating mahalin

ang kalikasan natin

ito ang dapat

Tanka

Ang tanka ay isang anyo ng tulang liriko ng mga Hapones na kilala rin sa tawag na “waka”. Maikli lamang ang awiting ito. Karaniwang kinakanta ang tanka sa saliw ng musika. Tulad ng sinaunang anyo ng panitikang Filipino, nasa anyo ito ng salimbibig o oral at nailimbag na rin nang kalaunan dahil sa pagkakaroon ng teknolohiya sa paglilimbag. Madalas na paksain ng tanka ang kagandahan at paglalaho ng kalikasan, pag-ibig, pagkasawi at mga ugnayan ng mga tao.

Mga Katangian ng Tanka:
  • Ang tanka ay may 31 pantig
  • Hindi nangangailangan ng tugma.  
  • Kadalasang nasusulat ito sa paraang tuloy-tuloy at walang bantas ang linya.  
  • May limang linya ang tanka na naglalaman ng tiyak na pantig sa bawat isa: limang pantig sa unang linya, pitong pantig para sa ikalawang linya, limang pantig para sa ikatlong linya, at tigpito sa huling dalawang linya (5-7-5-7-7).
  • Kongkretong imahen ang pundasyon ng paggawa ng tanka na may direktang pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Nakapagbibigay ito ng talab sa mambabasa sa pamamagitan ng direktang paglalahad ng mensahe.
Kasaysayan ng Tanka:
  • Ang tanka ay tula ng mga Hapon na namayagpag noong ikawalong siglo.  
  • Batay sa kasaysayan ng panitikang Hapon, ang tanka ay nagmula sa Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, kalipunan o antolohiya ng mga tula na karaniwang inaawit o sinasambit ng mga tao.
  • Ang mga Hapon noon ay sumusulat sa wikang Tsino kaya nang lumabas ang Manyoshu, natuwa ang mga makatang Hapon. Nilinang nila ito kaya sila nagkaroon ng panitikang tunay na kanila. Ito ang kanilang ginamit para magpahayag ng kanilang damdamin na naging lunsaran upang pahalagahan ang kanilang panitikan.  
  • Ang tanka ay naglalarawan ng iba-ibang emosyon na maaaring gawing isang libangan para maipahayg ang saloobin sa mga minamahal.  
Paano ba gumawa ng tanka?  
  1. Gamit ang karanasan bilang mag-aaral, maaaring mag-isip ng dalawang simpleng imaheng maglalarawan sa karanasang ito. Maaaring gamitin ang paglalarawan nito sa lasa, hitsura, nadarama, amoy, at naririnig.  
  2. Sunod, maaaring tanungin ang sarili kung ano ang pumasok sa isipan matapos maranasan ang inilalarawang karanasan. Maaari ding tanungin ang naramdaman pagkatapos ng karanasang iyon. Gamitin ang pagmumuning ito upang makagawa ng tatlong linyang makapaglalarawan sa pangyayari sa iyong buhay kaugnay nito.  
  3. Pagsamahin ang mga linya mula sa unang dalawa at ang huling tatlong linya. Siguraduhing ang ikatlong linya ay maaaring mailipat nang hindi nakaaapekto sa nais ipakahulugan. Ibig sabihin, ang ikatong linya ay maaaring tumukoy sa dalawang naunang linya at dalawang huling linya. Maaari itong subukan sa pamamagitan ng paghahati muna ng mga linya gamit ang ikatlong linya. Suriin kung ang ikatlong linya ay makabuluhan kapag kasama ng mga hinating bahagi ng tanka.  
  4. Maaari ding gamitin ang salawikain sa Filipino at gawan ng pormang tanka. Sa halimbawang nasa ibaba, ito ay kombinasyon ng dalawang salawikaing Filipino na pinaghalo.
  5. Ang unang salita sa tanka ay karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Hindi rin ito gumagamit ng mga bantas dahil karaniwang itinuturing itong hindi buong pangungusap. Hinahayaang ang mambabasa na lamang ang magtapos ng berso ayon sa kanilang naiisip na kabuuan nito gamit ang sariling imahinasyon.

Salawikain:

"Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.”

"Laging nasa huli ang pagsisisi.”  

Tanka:

nagmamadali  

mga paa’y natinik  

sugat kay lalim

tunay ngang di sasara  

pagsisisi’y huli na  

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa tangka ay i-click lamang ang mga links sa baba:

Kahulugan ng Tanka: brainly.ph/question/284015

Mga halimbawa ng tanka: brainly.ph/question/1843414

Tanka tungkol sa pamilya: brainly.ph/question/496713

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years