Kakintalan:
Ang kakintalan ng maikling kwento ay ang mensahe o aral na nais nitong iwan sa isip ng mga mambabasa.
Ang bawat maikling kwento ay mayroong mensahe na nais iwan sa lahat ng mga bumabasa nito sa pamamagitan ng kilos na isinasagawa ng mga tauhan sa kwento. Kadalasan, ito ay ayon sa pananaw ng pangunahing tauhan. May mga pagkakataon na ang maikling kwento ay walang katapusan kaya't hindi nakukuha ng mambabasa ang mensaheng nais nitong iwan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang mambabasa ang siyang dapat na magbigay ng katapusan sa kwento at siya ring bubuo ng kung ano ang dapat na ikintal niya sa kanyang isipan.
Pagpapalawig:
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan nito. Nag - iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Mayroon itong mga bahagi: panimula, saglit sa kasiglahan, suliraning inihahanap ng kalutasan, kasukdulan, at kakalasan. Sa mga bahaging ito nakapaloob ang kakintalan na iniiwan sa isip ng mga mambabasa. Ang kakintalan ay ayon sa kung paano tinanggap at naunawaan ng mambabasa ang maikling kwento na kanyang binasa. Bukod sa kakintalan, ang maikling kwento ay nagdudulot din ng kawilihan sa mga mambabasa.
Keywords: kakintalan, maikling kwento
Ano ng Maikling Kwento: https://brainly.ph/question/405453
#LetsStudy