Answer:
Mga Ideya para sa Pagsasagawa
Batay sa sarili ninyong mga pangangailangan at kalagayan, sundin ang isa o ang kapwa mga mungkahing ito.
Pag-isipan ang mga pangangailangan ng inyong mga anak o mga pangangailangan ng inyong mga apo, pamangkin, o ibang batang kilala ninyo. Magplano para sa mga pagkakataong maturuan ang mga batang ito sa pamamagitan ng inyong mga kilos at salita.
Repasuhin ang materyal sa pagtuturo sa mag-anak na matatagpuan sa Pagtuturo, Walang Higit na Dakilang Tungkulin (36123 893), mga pahina 167–189, at sa Gabay na Aklat ng Mag-anak (31180 893), mga pahina 4–10. Kung kayo ay may-asawa, basahin at talakayin ang materyal na ito kasama ang inyong asawa.