Explanation:
Ang kontemporaryong isyu ay ang mga
napapanahong mga isyu sa ngayon. Kasama sa mga kontemporaryong isyu ay ang mga isyu ngayon sa lipunan. Ang kontemporaryong mga isyu ay mahalaga at dapat na pag-usapan. Nangangailangan ito ng higit na atensyon at pagpapalano. Ang halimbawa ng kontemporaryong isyu sa ngayon ay ang isyu sa pag-papavaccine.
Mga Kontemporaryong Isyu
Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga isyu na napapanahon at mahalagang pagtuonan ng pansin. Ang mga sumusunod ay ang mga kontemporaryong isyu:
Pagpapavaccine -Marami ang nagaalangan na magpavaccine dahil narin sa takot na magkaroon ng masamang epekto ang vaccine sa katawan ngunit marami rin ang nagsasabi na ang pagpapavaccine ay ang tutulong upang tayo ay makaligtas sa sakit na covid-19.
Isyu sa mga ayuda- Dahil sa patuloy na paglolockdown at paghihigpit ay nangangailangan ng ayuda o suporta sa pagkain ang marami, ngunit ang ilang mga barangay ay dumadanas ng kakulangan sa budget.
Edukasyon - ang edukasyon sa ngayon ay isinasagawa sa mga online na pagtitipon, ngunit napapansin na dahil sa sistema na ito ay ang mga estudyante ay hindi nakakapagtutok sa pag-aaral. Kaya naman tinatantya at pinaguusapan kung papahintulutan ban a magbalik eskwelahan ang mga estudyante sa harap harapang pag-aaral sa eskwelahan