Ibigay ang buod ng akdang binasaNagsimula ang kwento sa isang datu na tumandang binata sa dahil sa kanyang paglilingkod sa mga nasasakupan. Dahil siya ang punong abala sa pamamahala ng kanilang lugar, nalimutan na niya ang mag-asawa. Kaya pinayuhan siya ng matatandang tagapayo na kailangan niyang mag-asawa para magkaroon siya ng magiging tagapagmana niya.Kaya napilitang mamili ang datu ng kanyang mapang-aasawa ngunit naging pihikan angito dahil marami ang magagandang dilag sa lugar na kanyang pinamumunuan. Tinulungan na ng matatandang bumubuo ng konseho ang datu sa pagpili kaya natutunan na rin nito ang umibig. Hindi lamang iisang ang kanyang napili kundi dalawang dalagang maganda at mabait. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ito parehas.Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay nagngangalang Hasmin, batang-bata at napakalambing at mahal nya ang datu kahit ito ay matanda na ang datu. Mahal na mahal din siya ng datu kaya kahit ano ang kanyang hilingin ay ipinagkaloob ito sa kanya. Dahil sa kanyang pagmamahal sa datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. Kaya binunot nya ang mapuputing buhok ng datu nang sa gayon ay magmukha itong kasing edad nya. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, kaya madaling nakakatulog ang datu ng mahimbing.Ang isa pang dalagang napan-asawa ng datu ay si Farida, mahal din siya ng datu. Si Farida ay maganda at mabait din, hindi tuad ni Hasmin na mas mas mabata kay sa datu, si Farida naman ay kasintanda ng datu. Kaya natutuwa si Farida kapag nakikita niya ang mga puting buhok ng datu. Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang mga itim na buhok nito.Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa datu, saya at galak ang nararamdaman ng datu. Pinagsisihan niya kung bakit di agad siya nag-asawa. Ngunit nagulat siya ng siya ay minsang manalamin at hindi nakilala ang kanyang sarili. Napasigaw ang datu ng "Kalbo! Kalbo, ako!" Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ng kanyang dalawang asawa.

Answers 1

Answer:

Sila dalawa ay nag mahalan hangang dulo

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years