Answer:
Karunungang - Bayan
Ang karunungang bayan ay nagpapakita ng kultura, tradisyon, kalagayang panlipunan sa iba't-ibang panahon. Kabilang sa kabang - yaman ng bansa bago pa dumating ang mga Espanyol. Nagtataglay ng mensahe na magagamit sa buhay. Bahagi ng payak na pamumuhay ng mga Pilipino. May malaking impluwensya sa mga Pilipino.
Mga Uri ng Karunungang - Bayan:
1. salawikain 2. sawikain
3. kasabihan
Ang salawikain ay karaniwang patalinhaga na may kahulugang nakatago. Karaniwang isinusulat ng may sukat at tugma.
Halimbawa:
1. Ang sakit ng kalingkingan,
Ramdam ng buong katawan.
2. Walang gawaing mahirap
Sa taong may pagsisikap.
Ang sawikain ay paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng dahas upang iwasan ang pananakit ng loob. Ito ay karaniwang gumagamit ng tayutay o idyomatiko.
Halimbawa:
1. parang natuka ng ahas 2. Itaga mo sa bato
Ang kasabihan ay gumagamit ng mga talinhaga at payak ang kahulugan. Sinasalamin ang gawi at ugali ng isang tao.
Halimbawa:
1. Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
2. Ubos - ubos biyaya
Bukas nakatunganga
Author:
annacarter
Rate an answer:
0