Answer:
Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon na nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasaitang diskurso.
Karaniwan itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, nilalaman, sitwasyon, at gamit na siyang pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal.
Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal
1.Awdiyens - nag sisilbing tagatanggap ng mensahe at maaring sya ay isang tagapakinig manonood , o mambabasa
2.Layunin - ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pag papadala ng mensahe
3.Estilo - kinapapalooban ito ng tono. Boses, pananaw at iba pang paraan kung paano ang mahusay na maipapadala ang mensahe.
4.Pormat - tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipapadala.
5.Nilalaman - dito nakasaad ang daloy ng ideya nang kabuang mensahe ng komunikasyon
Sitwasyon - pag tukoy ito ng estado kaugnau sa layuning nais iparating
6.Gamit - ito ang pag papakita nang kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe