answer:
Heograpiya
Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.
Dalawang Sangay ng Heograpiya
1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)
Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal
• Klima
• Heolohiya (Geology)
• Biolohiya (Biology)
• Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan
2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)
Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.
Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao
• Wika
• Relihiyon,
• Lahi
• Pangkat-etniko
• Medisina
• Ekonomiya
• Politika
• Mga Lungsod
• Populasyon
• Kultura