Answer:
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
ARALIN 2:LIPUNANG POLITIKAL, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
BATAYANG KONSEPTO:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya
lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, kultural,
at kapayapaan
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng
pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa
lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil ang kanyang pag-unlad ay nakasalalay sa
pag- unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).
1. KULTURA ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan.Ito ang mga TRADISYON, NAKASANAYAN, mga PAMAMARAAN ng PAGPAPASIYA, at mga HANGARIN na pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
2. LIPUNANG PAMPOLITIKA ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang KABUTIHANG PANLAHAT. Ang PAMAHALAAN ang nangunguna sa gawaing ito.
3. Tungkulin ng PAMAHALAAN na isatitik sa batas ang mga PAGPAPAHALAGA at ADHIKAIN ng mga mamamayan. Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong nakakamit ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan.
4. Sa ugnayang pang-mundo, ang pamahalaan ang mukha ng estado sa internasyonal na larangan. Ang PAMAHALAAN ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang SEGURIDAD at KAPAYAPAAN sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.
5. Ang pamamahala ay KALOOB NG MGA TAO sa KAPUWA NILA TAO dahil sa nakikita nilang HUSAY at GALING ng mga ito sa PAMUMUNO at PANGANGASIWA.
6. Ang PAMAMAHALA ay usapin ng pagkakaloob ng TIWALA.
7. Naipapakita ang mahusay na pamamahala kung SABAY ang pagkilos ng namumuno at mamamayan. Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan ay ang pinamumunuan naman ay sumusunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang PRINSIPYO ng SUBSIDIARITY at SOLIDARITY.
8. Sa Prinsipyo ng SUBSIDIARITY, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
9. Sa Prinsipyo ng SOLIDARITY o PAGKAKAISA, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan. Tungkulin natin ang MAGTULUNGAN tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.
10. Ang lipunang political ay isang ugnayang nagaangkla sa pananagutan- ang pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan ang pangkat- ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo.
11. Ang PAG-UNLAD ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakaas ng mga kasapi sa kabuuang PAGSISIKAP ng lipunan.
12. Ang Lipunang Politikal ay ang proseso sa paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
13. Ang tunay na “BOSS” ay ang KABUTIHANG PANLAHAT – ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.
Explanation:
I hope may ma kuha ka jan na sagot, Good Luck