halimbaw ng pangabay s pangungusap​

Answers 1

Answer:  1. Mabagal maglakad ang isang pagong.

2. Hinanap ka ni Lorna sa likod ng palengke.

3. Malakas kumain si Bardok ng tinapay.

4. Tahimik na nagmamatyag si ma’am sa mga bata.

5. Nanood kami ng sine kagabi.

   Ano ang pang-abay?

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa,pang uri o kapwa pang abay. Sumasagot ito sa mga tanong na paano, kailan at saan. Ang pag-abay ay may tatlong uri - panlunan ( nagsasaad ng pook o kinaroroonan), Pamanahon ( nagsasaad ng oras o panahon) at pamaraan (nagsasaad ng paraan).

   Ano ang pandiwa?

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Binibigyang turing ito ng pang-abay.

Pang-abay na nagbibigay turing sa pandiwa.

Taimtim na ipinagdarasal ni Pol ang kapitbahay na maysakit.

Ang pandiwa ay "ipinagdarasal". Ang pang-abay ay "taimtim" dahil nagbibigay turing ito sa pandiwang ipinagdarasal. Sa ibang salita, ipinapaliwanag nito kung paano ipinagdarasal ni Pol ang kapitbahay na maysakit. Ang pagsasaad sa paraan ng pagdarasal o paraan kung paano isinasakilos ang pandiwa ay tinatawag na pang-abay kaya ang pang-abay sa pangungusap na ito ay taimtim.

   Ano ang pang-uri?

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

Pang-abay na nagbibigay-turing sa pang-uri.

Sobrang ganda ni Amy sa suot niyang boda.

Ang pang-uri ay "ganda" dahil inilalarawan ito ni Amy. Ang pang-abay ay "sobra" dahil nagbibigay turing ito sa pang-uri na ganda. Isinasaad ng pang-abay na sobra kung gaano kaganda o sa paanong paraan ang ganda ni Amy.

Pang-abay na nagbibigay turing sa kapwa pang-abay.

Masyadong matulin tumakbo ang kabayo ni Celso.

Dalawa ang pang-abay sa pangungusap na ito. "Masyado" at "matulin". Pang-abay ang matulin dahil nagbibigay turing ito sa pandiwang tumakbo. Samantala, ang masyado ay nagbibigay turing naman sa pang-abay na matulin kaya ang pang-abay na nagbibigay turing sa kapwa pang-abay sa pangungusap na ito ay ang salitang masyado.

Pangunahing Uri ng Pang-abay

1. Ang  pang-abay na pamaraan ay tumutukoy sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na kilos ng pandiwa.

Halimbawa: Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kuwarto.

Isinasaad dito kung paano niya binuksan ang pintuan. Ang sagot ay "mabilis".

2. Ang pang abay na pamanahon ay tumutukoy sa panahon kung kailan ginawa ang isinasaad na kilos ng pandiwa.  

Halimbawa: Maaga nilang natapos ang nakatokang gawain.

Isinasaad dito kung kailan natapos ang gawain. Angsagot ay "maaga".

3. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy  sa pook kung saan ginanap ang kilos na isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa: Nagwawalis si Lara sa buong bakuran.

Isinasaad dito kung saan nagwawalis si Lara. Ang sagot ay "sa buong bakuran".

Explanation:

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years