saliksikin ang tungkol sa akdang "sa aking mga kabata ni herminigildo cruz"​

Answers 1

Answer:Ang "Sa Aking Mga Kabata" ay isang tula na nakasulat sa wikang Tagalog tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa kanyang katutubong wika. Madalas na pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at sinasabing naisulat niya noong 1869 sa gulang na walong taon at unang tulang ginawa ni Rizal.[1][2]

Bagaman, may ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na nagsasabing walang patotoo na si Rizal ang may-akda ng tula at panlilinlang ito.[3] Pinaghihinalaan ang mga makatang sina Gabriel Beato Francisco o Herminigildo Cruz ang tunay na may-akda.[4]

Teksto ng tula

Baguhin

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig'

Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,

Sanlang kalayaan nasa ring masapit

Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,

At ang isáng tao'y katulad, kabagay

Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ

Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,

Kayâ ang marapat pagyamaning kusà

Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin

Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,

Sapagka't ang Poong maalam tumingín

Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,

Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ

Ang lunday sa lawà noóng dakong una.

Explanation:

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years