Kwentong CoVid-19 na Gamit ang mga Pangatnig
Ang CoVid-19 ay isang sakit na kumalat sa buong mundo simula noong taong 2019 hanggang sa taong kasalukuyan. Ito ay pumigil sa mga transaksyon ng iba't ibang industriya at serbisyo sa buong mundo. Lahat ng lahi ay naapektuhan dahil sa pandemyang ito.
Bago pa man dumating ang pandemya, masaya kaming pumapasok sa paaralan ng aking mga kaibigan at sama-sama kaming nag-aaral at natututo. Tunay ngang pangalawang tahanan natin ang paaralan sapagkat dito tayo natututo ng mga bagay na lubhang mahalaga para sa ating kinabukasan. Nagiging pamilya natin ang ating mga kaklase sapagkat natututo tayong magtulungan lalo na sa panahon ng kagipitan. Dahil sa ating mga guro, nagkakaroon tayo ng mga pangalawang magulang na handang gumabay sa ating mga tatahakin sa buhay.
Ngunit dahil sa pandemya, nagkahiwa-hiwalay ang bawat isa sa atin at nakakulong lamang tayo sa loob ng ating mga bahay dahil sa banta ng sakit na lubos na nakamamatay. Sa birtuwal na lamang nagkakakita-kita at tila parang mas humirap pa ang buhay at sistema ng pag-aaral. Bagamat ganito ang sitwasyon ay pilit tayong magpakatatag para sa ating mga pamilya at para sa pangarap. Matatapos din ang pandemyang ito at lahat tayo ay maaari na muling makipagkwentuhan at makipagsaya kasama ang ating mga kaibigan.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:
brainly.ph/question/6190463
brainly.ph/question/10096995
#SPJ1
Author:
bessiemorales
Rate an answer:
3