1. Hilagang Asya
2. Silangang Asya
3. Kanlurang Asya
4. Timog Asya
5. Timog-silangang Asya
Explanations:
1. Ang Hilagang Asya ay matatagpuan sa teritoryong sinasaklaw itaas malapit sa Russia na kung saan ay naging bahagi sila nito at nabuwag din. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang Uzbekistan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Turkmenistan at Siberia . Ang Klimang mayroon ito ay Sentral Kontinental, na kung saan ay nakakaranas ng matinding lamig sa panahon ng winter at lubha namang tuyo at napakainit sa panahon ng summer.
2. Ang Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang China Hong Kong, Macau, Hilagang Korea, Timog Korea, Hapon, Mongolia at Taiwan. Monsoon Climate(Semiarid, Humid Continental At Humid Subtropical) ang uri ng klima ng rehiyon dahil sa lawak ng rehiyong nito, ang mga bansa dito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon- mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.
3. Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng mga bansang Cyprus, Iran, Iraq, Israel, Afghanistan, Bahrain, Kuwait, U.A.E, Lebanon, Yemen, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, at Saudi Arabia. Ang klima sa Kanlurang Asya ay maaring magkaroon ng labis o di kaya'y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira o hindi halos umuulan sa malaking bahagi ng rehiyong ito. Disyerto ang uri ng klima sa rehiyong ito. Halos tuyo ang rehiyong ito sa buong taon. Isang Arid ang rehiyong ito. Ang ganitong klima ay nabubuo dahil ang bumabagsak na malamig na hangin ay hindi nakararating bilang ulan sa mainit na lupa. Nag-iinit ng husto ang lupa dahil direkta ang tama ng araw.
4. Ang Timog Asya ay binubuo ng mga bansang Bangladesh, Bhutan, India, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at tag-init kung Marso hanggang Mayo. Samantala, nananatiling malamig ang Himalayas at iba pang bahagi ng rehiyon dahil sa niyebe o yelo.
5. Ang Timog-Silangang Asya ay binubuo ng Indonesia
IndonesiaVietnam, Thailand, Malaysia, Singapore, Pilipinas, Cambodia, Laos, Myanmar, Brunei, at East Timor. Ang klima naman rito ay tropikal.