- Si Jose Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas sapagkat isa siya sa naging dahilan upang mabuksan ang isipan ng mga mamamayang Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol na mag-alsa at lumaban laban sa mga ito. Ngunit hindi sa pamamagitan ng dahas niya ipinakita ang kanyang layuning ito kundi ginamit niya ang kanyang talino at panulat upang maging susi para maliwanagan ang kanyang mga kababayan na panahon na upang makuha at kunin natin ang kasarinlan na matagal ng nawala sa atin. Tama na ang pagiging sunud-sunuran sa inang espanya sapagkat marami ng Pilipino ang nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang mga maling paniniwala. Dahil dito kaya siya ang tinaguriang pambansang bayani ang pagpili na gamitin ang panulat kaysa sa dahas.