Answer:
Ang pinagkaiba ng Klima (Climate) sa Panahon (Weather) ay ang Klima ay
tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon samantalang ang panahon ay kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras.
Ang Klima ay isa sa batayan ng uri ng hanapbuhay, tirahan at gawi at ibang aspeto ng pamumuhay.
Ang pangkalahatang Klima sa Pilipinas ay Tag-Araw mula Nobyembre hanggang Mayo at Tag-ulan naman mula Hunyo hanggang Oktubre. May apat na Uri ng klima ang bansang Pilipinas.
Uri ng klima sa Pilipinas
1. Unang uri ng klima na may madalas at maraming pag-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw sa ibang buwan.
2. Ikalawang Uri ng Klima na walang matinding tag-ulan at maigsi lang ang tag-init.
3. Ikatlong Uri ng Klima na walang matatawag na tunay na tag-ulan dahil hindi madalas at hindi rin maramo ang pag-ulan.
4. Ikaapat na Uri ng Klima na may ulan halos sa buong taon.