Subject:
FilipinoAuthor:
jamalmasseyCreated:
1 year agoAnswer:
Credit: g3424.wordpress
Explanation:
Wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang pinaka-pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Sa halos 7,107 na mga pulo ng Pilipinas, iba’t iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang wika. Kung walang iisang wika, ang wikang Filipino, mararating kaya natin ang kaunlaran ng bansang Pilipinas?
Sa palagay mo, may pagkakaisa ba kung hindi nagkakaintindihan ang mga tao dahil sa kalat-kalat at iba’t-ibang wikang kinamulatan nating mga Pinoy? Napaka “obvious” ang sagot. Hindi. Marahil sa ganitong mga katanungan, napagtanto mo na ang kahalagan ng iisang wika, ang wikang pambansa ng Pilipinas, ang wikang Filipino. Kaya marapat lamang na bigyan ng napakataas na pagpapahalaga ang ating pambansang wika. Ngunit paano? Marahil nalilito ang iba sa inyo kung anu-ano ang mga kailangang gawin upang bigyang halaga ang pambansang wika. Nais kong ilahad sa inyo ang kung paano mapapakita ang pagpapahalaga sa ating pambansang wika.
Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino. Ito’y magagawa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Kailangan may sarili kang diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon, pwede ka ring magsaliksik at magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.
Magbasa ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga “research papers” na gumagamit ng wikang Filipino.
Mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino
Mataas na pagpupugay at paggalang sa mga lumikha ng Batas Pambansa Blg. 7104 at Proklamasyon Blg. 1041, sa mga mananaliksik o sa mga taong tumutulong sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino.
3. Makilahok sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang pambansa.
4. Sa araw-araw na panangalangin mo sa Diyos, kay Bathala, kay Allah, kay Buddha, o sa sinumang sinasamba mo, maaari monggamitin ang wikang Filipino. Ito ay napakabisang paraan upang lalong malinang ang iyong paggamit ng wikang Filipino.
5. Paglikha nga mga nakakatuwang tula, mga kinapupulutan ng aral na mga sanaysay, kwento, o anumang artikulo gamit ang wikang pambansa.
6. Paghubog ng isang sining; “drawing, iskultura, sand animation o anumang uri ng sining” na may kinalaman sa papapahalaga ng ating wikang pambansa.
Ito’y ilan lang sa mga napakarami pang paraan. Alam kong marami pang mga paraan ng pagpapahalaga ng ating wikang pambansa (ang wikang Filipino). At alam ko rin na kayong nagbabasa nito ay mayroong tinatagong mga natatanging ideya kung paano pahalagahan ang ating wikang pambansa.
Kung mayroon po kayong nais idagdag sa listahan ng mga paraan ng pagpapahalaga ng ating wikang pambansa, ay mangyaring ipost lang po ninyo sa comment sa ibaba. Idadagdag ko po ang inyong suhestiyon sa listahang nakasulat sa itaas kabilang na po ang inyong pangalan bilang may-akda.
Paunlarin, palaganapin at pahalagahan po natin ang ating wikang pambansa!
#tutornibajikeisuke
Author:
lynxmsnr
Rate an answer:
11