Answer:
Ang kuwentong-bayan (sa Ingles: folklore) ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na pangkat ng mga tao; sinasasaklaw nito ang mga tradisyon karaniwan sa kalinangan, subkultura, o pangkat na iyon. Kabilang dito ang tradisyong pasalita tulad ng mga salaysay, alamat[1], kawikaan at biro. Kabilang sa mga ito ang kulturang materyal, na mula sa tradisyunal na istilo ng mga gusali hanggang sa mga laruang gawang-kamay na karaniwan sa pangkat. Kabilang din sa kuwentong-bayan ang tradisyunal na kaalaman (kaya maaring tawagin din itong tradisyong-bayan o tradisyong-pambayan), na nagbibigay aksyon para sa mga paniniwalang-bayan, ang mga anyo at ritwal ng mga pagdiriwang tulad ng Pasko at mga kasal, mga sayawing pambayan, at mga rito ng pagsisimula. Bawat isa sa mga ito, nag-iisa man o magkahalo, ay tinuturing isang artipakto ng tradisyong-pambayan.
Author:
lucinda5ya0
Rate an answer:
8