Sa pitong kontinente ay may isa na pinakamalaking lupalop at ito ay ang kontinenteng Asya o Asia sa Ingles. Ito rin ang may pinakamalaking bahagi ng populasyon.
GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman 1. Pumili ng isang pangyayari sa binasang kuwentong-bayan at iugnay ito sa kaganapan sa inyong lugar o iba pang lugar ng bansa. Isulat ang iyong sagot sa espasyong nakalaan sa kasunod na speech balloon. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. 2. Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang kuwentong-bayan lalo na ang tungkol sa pag-aasawa. Ihambing ito sa ibang pangkat-etniko sa ating bansa o iba pang lugar sa bansa. Gumamit ng venn diagram. Gayahin ang kasunod na sagutang papel. Muslim Kultura- Pag-aasawa 3. Magsaliksik ng iba pang akdang pampanitikan ng mga Maranao. Bumuo ng isang balita tungkol sa kalagayan ng lugar na pinagmulan ng akda gamit ang kasunod na pormat. lulat ito sa klase. Pamagat ng Kuwentong- bayan o akdang pampanitikan Bayan/Lungsod Uri Iba Pang Pangkat-Etniko Lalawigan/Rehiyon Populasyon Pangunahing Produkto Gobernador/Mayor 4. Masasalamin ba ang paniniwala at katangian ng mga Maranao sa kanilang mga kuwentong-bayan? Patunayan.