Answer:
Ang Munting Ibon (Maikling Kwento) ng Maranao
Ang Munting Ibon (Maikling Kwento) ng Maranao
Upang mapagtibay ang relasyon sa kapwa, maging magalang, matapat, at mabuti ka.
Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa madaling araw.
Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang mga bitag. Anong laking gulat niya nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ay nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng isang malaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa. “Hmmm, hindi maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa sarili. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.
Author:
furyzuky
Rate an answer:
10