Answer:
Bilang 2. Ipabasa sa magulang, kapatid o taga-alaga ang
sumusunod na epiko ng mga Bagobo na pinamagatang "Si Tuwaang at ang
Dalaga ng Buhong na Langit." Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno
matapos map
nggan ang epiko.
Buod ng Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit
Epiko ng mga Bagobo
Si Tuwaang ay nakatanggap ng mensahe na kailangan niyang dumalo sa
kasal ng Dalaga ng Monawon. Ngunit agad siyang binalaan ng kanyang tiyahin na
huwag itong pumunta dahil nararamdaman niyang mayroong masamang
mangyayari sa kasal. Si Tuwaang ay nakatanggap ng mensahe na kailangan
niyang dumalo ni sa kasal ng Dalaga ng Monawon. Ngunit agad siyang binalaan
ng kanyang tiyahin na huwag itong pumunta dahil nararamdaman niyang
mayroong masamang mangyayari sa kasal. Ngunit hindi nagpapigil si Tuwaang sa
kabila ng sinabi ng kanyang tiyahin
Araw na ng kasal at isinuot ni Tuwaang ang damit na ginawa ng mga diyos
para sa kanya, bitbit niya ang kanyang espada, panangga at isang mahabang
kutsilyo habang nakasakay sa kidlat papunta sa Monawon. Isinama niya si
Gungutan, isang nakakapagsalitang ibon na natagpuan niya sa kapataga