Answer:
"Ang Alamat Tungkol Sa Sampung Wika"
Noong sinaunang panahon, mayroong isang tribong nanirahan sa isang maliit na isla, ang Tribong Amihan. Sa kabila ng pagkakaroon ng maliit na pook, masagana ang ani ng mga katutubo, at mayaman sa lamang-dagat ang malawak at malilim na karagatang lumilibot sa munting isla. Ngunit, dahil ang isla’y pinalilibutan ng malalim na karagatan at ng mga mababangis na hayop, wala pang nakapaglakbay palabas at papunta ng isla.
Sa tribong ito nanirahan ang dalawang kambal, sina Lakas at Makata. Sa kabila ng pagiging magkambal, malaki ang pinagkaiba ng dalawang magkapatid. Si Lakas at matipuno at matapang. Siya ang pinakamalakas na mandirigma ng munting isla. Noong siya’y musmos pa lamang, dumating ang isang lobo sa kanilang bayan habang natutulog ang mga mamamayan. Pumasok sa bahay ng Datu ang lobo at pumunta sa kwarto ng dalawang magkapatid. Nang marinig ang iyak ng kapatid, bumangon si Lakas sa kanyang kamat at nakipaglaban sa lobo. Sa tatlong sapak, napatumba ng bata ang lobo. Ang kapatid niyang si Makata ay ang kabaliktaran. Kilala sa pagiging lampa at duwag si Makata. Bukod dito, hindi marunong makipaglaban si Makata. Ngunit, si Makata ang pinakamatalinong nilalang sa Tribo. Si Makata ang tagapagpayo ng Datu, at siya ang tagapagpamahala ng mga babaylan.
Isang araw, lumabas ang dalawang magkapatid sa patungo sa dagat. Sumakay ang dalawa sa isang munting bangka. “Nakakatakot naman dito” sabi ni Makata. “Hay nako, wag ka ngang duwag!” sabi naman ni Lakas. Naglakbay ang dalawa upang maghanap ng mga isda. Habang ang dalawa’y nangingisda, biglang nagyanig ang dagat, at bumuo ito ng isang malaking alon. “Makata, dalian mo!” sigaw ni Lakas habang inuutusang bumalik ang kapatid. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya subalit dinala ng alon ang magkapatid.
Nang gumising si Lakas, napansin niya’y napadpad siya sa baybaying malapit sa kanilang bayan, ngunit hindi niya kasama ang kapatid niya. Nang mawala ang kanyang kapatid, nagkagulo ang bayan dahil nawala ang tagapagpayo ng bayan. Sa kabila ng mga kabangisang naghihintay naghihintay sa labas ng isla, sinubukan nila ang lahat upang hanapin ang mahal nilang si Makata. Daan-daang tanong ang nawala sa paghahanap sa kanya ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kapatid. Dahil sa maramihang paglalakabay, natuto ang mga mamamayan ng iba’t ibang wika mula sa iba’t ibang lugar. Nang bumalik ang mga tao sa isla, pinagkalat nila ang kanilang kaalaman, at inialay nila ang mga wikang ito sa kanilang mahal na prinsipe. At dahil doon, ang isang taong may lubos na kaalaman tungkol sa mga wika at tinawag na makataion: