Pagpapalawak ng Talasalitaan Pag-aralan ang gamit sa pangungusap ng mga salitang nasusulat nang pahilig. Magbigay ng salitang kasingkahulugan ng mga ito. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Tuwing panahon ng pamumunga ng mga prutas, lumalabas si Amomantaragaga at ang mga kasamang unggoy upang manginain sa taniman. 2. Kumuha si Tatalaonga ng isang tubó buhat sa balsa at ginamit itong tukod upang maitulak ang balsa pabalik sa ilog. 3. Malakas ang panaghoy ni Monki, at narinig ito ng mga unggoy sa kagubatan. 4. Mapilit ang pagsamo ni Amomantaragaga kay Monki upang matulungang gumaling si Makil. 5. Gumawa ng litag sina Monki at Makil at iniwan ito sa kagubatan.