Ika–11 ng Setyembre 2015 20 – 21 Elias Street, Sta. Cruz, Manila Mahal kong Bb. David, Ako po si Donna S. Felipe, isa sa inyong mag-aaral sa ikalimang baitang. Nilakasan ko po ang loob ko na sulatan kayo para po humingi ng payo sa inyo tungkol sa aking problema na kinakaharap ngayon. Palagi po akong tinutukso ng kaklase kong si Donato na sarat daw ang ilong ko at inaagawan po niya ako ng pagkain tuwing rises. Wala po akong lakas ng loob na sabihin po sa inyo sa harap ng aking mga kaklase dahil baka po awayin ako ni Donato. Bb. David, ano po kaya ang maaari kong gawin upang tigilan na po ako ni Donato sa kanyang panliligalig at panunukso sa akin? Hihintayin ko po ang inyong payo na alam kong makatutulong sa akin upang tigilan na po ako ni Donato. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Donna Question: 8. Mula sa kwentong iyong binasa, ilarawan kung sino o alin ang sitwasyon na nagpapakita o may kinalaman sa kalusugang mental,emosyonal at sosyal. . Isulat ito sa inyong journal .

Answers 1

Si Donna ay tinutukso ng kaniyang mga kaklase dahil sa itsura ng kanyang ilong at patuloy na inaagawan ng pagkain tuwing kainan. Hindi niya kayang sabihin ito sa kaniyang guro sa harap ng klase dahil natatakot siya maaway ng kaniyang mga kaklase. Kaya nagsusulat na lamang siya ng isang sulat sa kaniyang guro tungkol dito.

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years