Answer:
Explanation:
Ayon kina Carpio et. al, ang ating bansa ay binubuo ng mahigit pitong libong pulo na siyang dahilan kung bakit tayo ay itinuturing na multilingual na bansa o maraming wikang umiiral. Dahilan ito upang maging mahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa at makabuo ng iisang bansa o nasyon. Sa layuning maging isa at magbuklod, sinikap ng ating mga ninuno na magkaroon ng isang wikang gagamitin natin tungo sa pambansang kaisahan. Unang nagkaroon ng banggit o hugis sa pagkakaroon ng wikang magbubuklod sa ating lahi noong mapagkasunduan ng mga Katipunero batay sa Saligang Batas ng Biak na Bato ng 1897 na gawing opisyal na wika ng rebolusyon ang wikang Tagalog. Ito ay sa kadahilanang kailangan ng isang wikang magbibigkis sa himagsikan at nagkataong karamihan sa mga nanguna sa rebolusyon ay mga Tagalog. Makalipas ang ilang taon, nakamtan nga natin ang kalayaan subalit sa sandaling panahon lamang. Pumalit naman sa mga Kastila ang mga Amerikano na ibang-iba ang ginamit na estilo sa pagsakop. kanilang naging atake kung saan ang mga bagay na ipinagkait o wala sa atin ang kanila namang ipinagkaloob tulad ng demokratikong pamumuhay, edukasyon at maging ang wikang dayuhan. Ang ginawang hakbang ng mga Amerikano ay labis na naging mabisa pagkat sa pagtuturo nila ng kanilang wikang Ingles, tumalab ito hanggang sa ngayon upang ituring ng maraming Pilipino na ito na nga ang wika ng daigdig at pinakamakapangyarihan! Sa kabila nito, binabanggit nina Resuma at Semorlan (2002) na batay sa sarbey ng Komisyong Monroe noong 1925, napatunayang may kakulangan pa rin sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa primarya. Ito raw ang dahilan kung bakit noong 1931, nagmungkahi ang noo’y Bise Gobernador-Heneral at kalihim din ng pampublikong edukasyon na si Butte, na gamitin na ang mga bernakular na wika upang gawing midyum sa pagtuturo. (Garcia et. al., 2010) Matapos na maisagawa ng Surian ang atas ng batas, noong Disyembre 30, 1937 ay ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa na nagsasaad ng ganito
Sapagkat batay sa mga pag-aaral na ito ay napatunayan ng mga Kagawad ng Surian na sa mga wika sa Pilipinas ang Tagalog ang siyang tumutugon sa halos lahat ng hinihingi ng Batas Komonwelt 184; sapagkat ang kongklusyong ito ay kumakatawan hindi lamang sa paniniwala ng mga Kagawad ng Surian kundi pati na rin sa mga opinyon ng mga iskolar at makabayang Pilipino na magkakaiba ang mga pinanggalingan, edukasyon at mga hilig na buong pagkakaisang umaayon sa pagpili sa Tagalog bilang saligang wikang pambansa dahil sa nakita ito na ginagamit at tinanggap ng pinakamaraming mga Pilipino, bukod sa tahasang pahayag ng lokal na mga pahayagan, mga publikasyon at indibidwal na mga manunulat……. Dahil dito’y ipinapasya…… na piliin….. ng Surian ng Wikang Pambansa…. ang wikang Tagalog bilang batayan para sa paglinang at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ayon kina Bernales et. al, Tagalog ang naging saligan ng Wikang Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita ay hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos: 59.6% sa Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 46.6% sa Hiligaynon, 39.5% sa Bikol, 31.3% sa Ilokano at iba pa. Bukod sa pagkakahawig sa maraming wikain sa Pilipinas, ang Tagalog ang siyang naging batayan ng Wikang Pambansa ay nagtataglay ng humigit-kumulang na 5,000 salitang hiram sa Kastila, 1,500 sa Ingles, 1,500 sa Instik, at 3,000 sa Malay