Answer:
Mga Halimbawa
Kalusugang Sosyal
Ang kalusugang sosyal ay tumutukoy sa estado ng pakikipag-halubilo ng isang tao sa kanyang kapwa tao. Mga halimbawa ng kalusugang sosyal ay:
pagtulong sa kapwa
pagsali sa mga organisasyon
paglahok sa mga zumba
maayos na pakikitungo sa ibang kasapi sa lipunan
Kalusugang Mental
Ang kalusugang mental ay tumutukoy sa kalagayan ng aspetong mental ng isang tao. Ang maayos na pag-iisip ay isang indikasyon na malusog ang kalusugang mental. Mga halimbawa nito ay:
natutukoy kung ano ang tama at mali
maayos na nakakapagdesisyon
positibo ang mga iniisip
hindi nagpapaapekto sa mga negatibong naiisip
Kalusugang Emosyonal
Ang maayos na pagdadala ng kalungkutan, kawalang pag-asa, depresyon at iba pang emosyon ay kabilang o bahagi sa kalusugang emosyonal. Narito ang halimbawa ng kalusugang emosyonal.
nakakabangon mula sa matinding kalungkutan
hindi nagpapalupig sa anumang depresyon na nararamdaman
lumalaban sa mga nararamdaman na kawalang pag-asa sa buhay
Kalusugang Pisikal
Ang maayos na pangangalaga sa sariling pangangatawan ay ang tinutukoy ng kalusugang pisikal. Halimbawa ng kalusugang pisikal ay:
pagkain ng masusustansiyang pagkain
pag-eehersisyo
pagligo araw-araw
Explanation:
Author:
nortonsloan
Rate an answer:
19