Sagot: Ang pandemya ay tila naging isang supresa sa lahat. Hindi ito inaasahan at hindi rin naman ito hiniling ng kahit na sino man. Isang araw, normal ang lahat ngunit sa isang kisap mata nag bago ang lahat. Lubha itong nag dulot nang kahirapan at kawalan sa nakakarami, nariyan ang kinailangan nating manatili sa loob ng tahanan sa loob ng ilang buwan, nariyan ang marami nakaranas na mag kasakit at tamaan ng virus na ito. Nariyan ang nawalan ang karamihan ng hanap buhay, nariyan ang marami ang nalayo sa kanilang mga mahal sa buhay at higit sa lahat nariyan ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pang yayaring ito.
Mahigit dalawang taon na mula ng ito ay ating naranasan at patuloy na nararanasan. Marami pa rin ang takot, maraming nag aalinlangan sa mga nangyayari at mangyayari pa lamang. Patuloy pa rin ang pag laban natin dito at patuloy pa rin ang pag kakaroon nito ng matinding epekto sa lahat. Ngunit marami ang nag tatanong at nag aalinlangan, gaano nga ba tayo katagal na mag hihintay pa bago dumating ang pangyayaring balik na sa normal ang lahat? Gayong patuloy ang pag lawak ng bakunahan ngunit kasabay naman nito ang pag dami ng uri ng virus na pinag mulan ng pandemyang ito na nag dudulot na matinding pag ka lungkot sa ating lahat.
Para sa mga karagdagang kaalaman, bumisita lamang sa links na ito:
https://brainly.ph/question/2835059
https://brainly.ph/question/15960592
https://brainly.ph/question/3299485
#BrainlyEveryday