Answer:
“DISKARTENG BATA”
Explanation:
Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa masasamang mga gawain. Nakilala noon ni Kara ang katorse anyos na si “JM” - isang batang hamog. Mula Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila --- naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan. Pero ilang linggo lang mula nang umere ang dokumentaryo, namatay si “JM” nang masagasaan siya habang dumidiskarte sa kalsada.
Noong taong 2011 din, pinagdedebatehan na ng mga mambabatas ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong isyu.
Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail. Walong taon na ang nagdaan pero hindi nakuhang iwan ni “Roy” ang iligal na gawain.
At tila nauulit lang ang isyung kinaharap ng ilang kabataan ngayon.
Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si “Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn.” Pero pagkalabas ng eskuwela, imbis na umuwi, diretso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot. Pero hindi raw bisyo ang nagtutulak kay “Nognog” na gumawa ng masama, kundi para may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni “Jocelyn”, walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskarte ng bata.