Explanation:
SA tanong kung ilan ang isla sa Pilipinas, kwela pa rin klaruhin muna, tulad ni Charlene Gonzales sa Miss Universe finals, kung ang tinutukoy ay high o low tide. Pero mali na isagot ang lumang bilang na 7,107 ang mga isla. Ang tama ay 7,641. Batay ito sa turing ng UN Convention on the Law of the Sea na ang isla ay natural na lupaing napapalibutan ng karagatan, litaw miski high tide, at may bukal ng tubig-inumin. Panahon pa ng Amerikano ang bilang na 7,107, at nakasanayan na lang ito dahil sa paulit-ulit sa Araling Panlipunan at sa tourism promo ads. Pero natuklasan ng modernong geographical surveying na 7,641 pala lahat.
This info is from PhilStar