Answer:
Ang panliligalig sa sekswal at dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito’y labag sa batas.
Explanation:
Kadalasan, ang isang taong may kapangyarihan ang nanliligalig, pero maaari rin ito manggaling mula sa mga kauri, kasamahan sa trabaho, atbp. Ang mga babae ay mas masasalakay dahil kadalasan ay mas mababâ ang kanilang kinikita at mas mababâ ang katayuan nila sa trabaho, at mas malamang na sila tanging naglalaan para sa kanilang mga anak. Pati ang mga taong may kapangyarihan ay maaaring biktima ng sekswal na panliligalig.