Answer:
Ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking bansa sa Asya kasunod ng Rusya kasama na ang lawak ng tubig na sakop. Ang pag-aalinlangan sa laki ng Tsina ay dahil sa (a): pag-aangkin ng Tsina sa mga territoryo katulad ng sa Aksai Chin at sa Trans-Karakoram Tract (na ina-angkin din ng Indiya), at (b) kung paano kinakalkula ang laki ng Estados Unidos: ayon sa World Factbook, ang sukat ng Estados Unidos ay 9,826,630 km²,[13] habang ang bigay na sukat ng Encyclopedia Britannica ay 9,522,055 km². Ito rin ay dahil sa bagong sistema ng kompyutasyon ng Estados Unidos kung paano sinusukat ang kabuuang sakop ng kanilang lupain.
Ang Tsina ay may hangganan sa mga bansang: Vietnam, Laos, Burma, India, Bhutan, Nepal, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, Kyrgyzstan, Kazakhstan, Russia, Mongolia and North Korea. Ang hangganan ng Tsina sa Pakistan ay nasa probinsiyang Kashmir, na ina-angkin din ng India.
Ang territoryo ng Tsina ay may malawak na lupainng-scape (landscape). Sa silangan matatagpuan ang Dagat Dilaw at ang Dagat Silangang Tsina, maraming matataong lugar na matatagpuan sa alluvial plains, habang may mga damuhan sa Inner Mongolia. Ang Timog Tsina ay mabundok. Sa gitnang-silangan naman ng Tsina matatagpuan ang mga pangunahing ilog ng bansa, ang Ilog Dilaw at Ilog Yangtze (Chang Jiang) na malapit sa Beijing.