Answer: Tiyak O Absolute
Explanation: Tiyak o Absolute na Lokasyon at Relatibong Lokasyon
Ang dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon ay ang mga sumusunod:
Absolute o tiyak na lokasyon
Relatibong lokasyon
Explanation:
Ang absolute o tiyak na lokasyon ay tumutukoy sa eksaktong latitude at longitude ng isang pook, o yung tinatawag na coordinates. Ang relatibong lokasyon naman ay tumutukoy sa lokasyon ng isang pook gamit ang mga lugar na nakapaligid dito.
Bigyang halimbawa natin ito gamit ang lokasyon ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa latitude na 12.8797° hilaga, at longitude na 121.7740° silangan. Ito ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas.
Narito naman ang relatibong lokasyon ng Pilipinas:
Sa hilaga, nariyan ang Bashi Channel at Taiwan
Sa timog, nariyan ang Celebes Sea at Indonesia
Sa silangan, nariyan ang Pacific Ocean
Sa kanluran, nariyan ang West Philippine Sea (South China Sea)