“Daang Ilog” Dokumentaryo ni Kara David sa ‘I Witness’ Biyernes ngayon kaya wala sa klase si Ligawon, at ang kaniyang mga kaibigan. Si Ligawon ay katorse anyos pa lamang subalit tinutulungan nya ang kaniyang sarili upang matustusan ang sarili niyang mga pangangailangan. Hindi lingid sa kaniyang guro ang kalagayan ni Ligawon kung kaya’t lubos niya itong inuunawa. Magaling na mag-aaral si Ligawon ang patunay ni G. Arnold Reyes, katutubong guro sa Paaralang Elementarya ng Bangon sa Oriental Mindoro. Tuwing Biyernes kailangan mangalakal ni Ligawon upang may pambili siya ng kaniyang pagkain at iba pang pangangailangan dahil wala na siyang magulang na susuporta at aasahan pa. Si Ligawon kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Erwin, Marvin, at Noel ay nagbubuhat ng mga saging at kamote mula sa bundok upang dalhin sa mababang lugar at ibenta ito sa mga nag-aantay na mamimili. Piso bawat kilo ang bayad sa kanilang binuhat. Hindi alintana ang panganib sa daan, pagod at hirap sa kanilang ginagawa, bagkus masaya niya itong ginagawa upang mayroon siyang pambili ng pagkain sa araw-araw. Mahirap ngunit kailangan niya itong gawin. 1. Tungkol saan ang kuwento? 2. Bakit kahanga-hanga si Ligawon? 3. Paano mo ihahambing si Ligawon sa iyong sarili?4. ano ang iyong natutunan sa balik ilog???
E Kung babaguhin mo batay sa konsepto ng rehiyon, paano mo hahatiin ang Asya sa mga rehiyon? Ano-anong rehiyon ito at ang mga bansang bumubuo rito? Ipaliwanag.