1. Name Calling
Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
Halimbawa:
- Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Sa tuwing eleksyon ay nagbibigay ng hindi magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika atbp.
- Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.
2. Glittering Generalities
Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda. nakasisilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Halimbawa:
- Sa isang patalastas ng isang artista na ipakikita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay matikas ka sa lahat ng pagkakataon.
3. Transfer
Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
Halimbawa:
- Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya. At dahil siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipili siya upang mag- endorso ng mga gamot na hindi pa masyadong sikat sa merkado.
4. Testimonial
Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
Halimbawa:
- Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kalilimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
5. Plain Folks
Uri ng propaganda na kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagtan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang wala ng sambayanan.Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
Halimbawa:
- Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at nanggaling din sila sa hirap.
- Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag-eendorso ng kanilang produkto.
6. Bandwagon
Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa:
- LBC:Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
7. Card Stacking
Pagsasabi ng magandang puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.
Halimbawa:
- Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabi na kung araw-araw itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
#LearnWithBrainly