Answer:
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema o mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maaring berbal o di-berbal.
Explanation:
Dalawang Uri ng Komunikasyon
1. Berbal na komunikasyon
Ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasipan, damdamin o saloobin sa paraang salita.
Mga Halimbawa:
pakikipag-usap, pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan sa kapwa sa pamamagitan ng pasalita
pakikipanayam sa tao
pakikipagpalitan ng saloobin at kuro-kuro sa kausap
pagbabalita
2. Di-berbal na komunikasyon
Ang di-berbal na komunikasyon ay ang komunikasyon na naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa. Madalas itong ginagamit ng mga taong may kapansanan sa pagsasalita at pakikinig.
Mga Halimbawa:
pakikipag-usap sa kapwa gamit ang mga kamay na sumisenyas sa kausap
pakikipag-ugnayan gamit ang iba't ibang ekspresyon ng mukha na nagpapahiwatig ng kanyang damdamin at nararamdaman sa kausap