Tukuyin ang DENOTATIBO O KONOTATIBONG kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Tampulan ng taong-bayan si G. Ramos dahil sa di-matawarang pagtulong sa kapwa.
A. Denotatibong kahulugan: Isang lugar na puntahan ng mga tao.
B. Konotatibong kahulugan: Pinag-uusapan ng lahat at takaw-pansin.
2. Nilangaw ang sinehan dahil hindi maganda ang palabas.
A. Denotatibong kahulugan: Mayroong langaw sa sinehan sapagkat hindi maganda ang palabas.
B. Konotatibong kahulugan: Hindi tinangkilik. Kakaunti ang taong nanood ng palabas.
3. Nakasandal sa pader si Mario habang nag-aagaw-buhay dulot ng balang tumama sa dibdib.
A. Denotatibong kahulugan: Ang kanyang buhay ay pinag-aagawan ng dalawang panig.
B. Konotatibong kahulugan: Nasa kritikal na kalagayan o bingit ng kamatayan.
4. Dinadaga ang dibdib ni Marcos kapag nakikita ang babaing iniibig.
A. Denotatibong kahulugan: Mayroong mga daga sa dibdib.
B. Konotatibong kahulugan: Kinakabahan at hindi mapalagay. Mayroon ding pangamba.
5. Ngiting-aso ang ngiti ni Jack kapag nakikita ang magagadang dilag sa kanilang nayon.
A. Denotatibong kahulugan: Isang aso na nakangiti ang kanyang ngiti.
B. Konotatibong kahulugan: Labis na kasiyahan na may pagkapilyong ngiti.
Magbasa ng higit pa tungkol sa denotatibo dito:
https://brainly.ph/question/18419310
#SPJ2