Answer:
10 BAGAY NA MAAARI MONG GAWIN
UPANG MAPANGASIWAAN ANG IYONG MGA
SINTOMAS NG COVID-19 SA BAHAY | COVID-19 |
Kung mayroon kang posible o nakumpirmang COVID-19
1. Manatili sa bahay
maliban sa pagkuha ng
pangangalagang medikal.
2. Subaybayan ang iyong
mga sintomas nang mabuti.
Kung lumala ang iyong mga
sintomas, tawagan kaagad
ang iyong tagapagbigay ng
pangangalagang pangkalusugan.
3. Magpahinga at
manatiling uminom
ng sapat na tubig.
4. Kung mayroon kang medikal
na appointment, tawagan
muna ang tagapagbigay
ng pangangalagang
pangkalusugan at sabihin sa
kanila na mayroon ka o maaaring
mayroon kang COVID-19.
5. Para sa mga medikal na
emergency, tumawag sa 911
at abisuhan ang mga
naipadalang tauhan
na mayroon ka o maaaring
mayroon kang COVID-19.
6. Takpan ang iyong
pag-ubo o mga
pagbahin gamit ang
isang tisyu o gamitin ang
loob ng iyong siko.
7. Hugasan ang iyong mga
kamay nang madalas gamit
ang sabon at tubig nang hindi
bababa sa 20 segundo o linisin
ang iyong mga kamay gamit ang
sanitizer ng kamay na gawa sa
alkohol na may hindi bababa sa 60%
na alkohol.
8. Hangga't maaari, manatili sa
isang partikular na silid at malayo
sa ibang tao sa bahay mo.
Gayundin, dapat kang gumamit
ng hiwalay na banyo, kung may
magagamit na ganito. Kung
kailangang nasa paligid ka ng
ibang mga tao sa loob o labas ng
bahay, magsuot ng mask.
9. Iwasan ang pakikigamit
ng mga personal na
bagay sa ibang tao sa iyong
sambahayan, tulad ng mga
pinggan, tuwalya, at gamit sa
pagtulog.
10. Linisin ang lahat ng mga
ibabaw na hinahawakan nang
madalas, tulad ng mga counter,
ibabaw ng lamesa, at pihitan
ng pintuan. Gumamit ng mga
spray o pamunas na panlinis ng
bahay ayon sa mga tagubilin sa
Explanation:
Pa brainliest po