Answer:
Isang mahalagang yaman ng isang bansa ang wika. Ito ang nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Maliban dito, napatunayan na rin ang halaga ng wika upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil kasi sa wika, maayos ang palitan ng mga ideya na mahalaga naman upang mapanatili ang pag-unlad.
Kalaunan, ang wika ay naging isang mahalagang paksa na rin ng pag-aaral sa mundo. Iba-ibang mga kurso, samahan, organisasyon, at proyekto ang binuo upang mas mapalawig ang kaalaman natin sa wika at kung paano pa mas magiging mabisang sandata ito upang mas mapaunlad pa ang ating mundo.