Answer:
pagkakaparehong wika at panitikan
Ano ba ang wika?
Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika gaya ng pagpapahayag ng ideya o mahalagang komponent ng komunikasyon.
• Ang wika ang pinakakaluluwa sa isang lipunan. Ang wika ay isang paraan ng paghatid ng isang ideya mula sa isang tao patungo sa ibang tao.
Narito ang mga kahulugan ng wika ayun sa mga dalubwika
IAyon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto)
ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian)
ang wika ay pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging salita.
Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician)
ang wika ay pormal na sistema ng mga simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang grammar upang maipahayag ang komunikasyon
Ano ang panitikan?
• Ang panitikan ay nangaling sa salitang “titik” na ang ibig sabihin ay literature
• Ang panitikan ang nagsasalaysay ng iba’t-ibang damdamin tulad ng pag-ibig, pagkapoot, paghihiganti,pagkasuklam, sindak at pangamba na nararansan ng mga tao sa lipunan, pamahalaan at pananampalataya.
• Ito din ay nagpapahayag ng kaisipan o kaya naman ay damdamin.