Answer:
mahaba ang sagot pumili ka na lang kung saan ka hihinto hehe
Explanation:
Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mga puting usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon. Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito na takot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang-gubat, at iba pa. Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kanyang paligid. Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon. Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop-gubat. Nagtanong ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Para sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga ito ang isang tagapag-gabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan. Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang puting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang puting-puting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba ng anyo at naging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang puting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nan tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay na sinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, naging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ang bundok ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.