Taong 2020… Bawat isa`y may kuwento kung paano tayo binago ng taong ito. Kung paanong nagbukas at nagsara ang mga pagkakataon sa buhay natin. Lumiwanag man o dumilim ang pinanghahawakan nating pag-asa, pananalig at tiwala sa Diyos ang ating naging sandata. May awa ang Diyos. Hindi siya bingi sa paghikbi ng ating mga damdamin. Hindi siya bulag sa mga pagkakataong tayo`y nanghihina. Siya ang ating lakas at sandigan laban sa gawa ng kaaway. MAPAGMAHAL NA AMA ang ating Diyos kaya naman kapit lang kaibigan, may hangganan ang lahat ng ating paghihirap. Totoong mahal tayo ng Diyos! HINDI ITO KASAMA SA AYTEM. BASAHING MABUTI ANG TALATA UPANG MASAGOT ANG MGA SUSUNOD NA KATANUNGAN
1. Nais ipabatid ng talata na ______________________. *
A. Nanonood ang Diyos sa atin.
D. Huwag mawalan ng pa-asa, sa Diyos tayo ay magtiwala.
B. Magiging maayos din ang lahat kaya huwag mainip.
C. Lahat ay may karanasang maibabahagi sa iba.
2. Kanino sa miyembro ng pamilya inihalintulad ang Diyos?
D. Kuya
C. Tito
B. Ama
A. Lolo
3. Bawat isa`y may kuwento kung paano tayo binago ng taong ito? Ang salitang KUNG ay ginamit bilang pang-ugnay na _________________.
A. Pangatnig
C. Pang-angkop
Pang-ugnay
B. Pang-ukol
4. Siya ang ating lakas laban sa gawa ng kaaway. Ang pang-ukol sa pangungusap ay ______________.
A. Ating
C. Gawa ng
D. Siya
B. Laban sa
5. Balikan ang talata sa unahan, ang pariralang nakasulat sa MALALAKING TITIK sa talata ay halimbawa ng ________________.
D. Pangatnig
B. Pang-angkop
A. Paglalahad
C.Pang-ukol
6. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa panghihikayat sa huling pangungusap ng talata?
B. Mahal
C. Diyos
A. Ng
D. Totoo
7. Hindi niya tayo pababayaan _________ mahal tayo ng Diyos. Ano ang angkop na Pang-ugnay ang ipupuno sa patlang?
B. Sapagkat
A. Ngunit
D. Datapwat
C.Subalit
8. Marami sa mga lalaking Pilipino ang tumanda___ binata dahil sa pihikan sa mga kababaihan. Anong pang-angkop ang dapat na gamitin?
D. ng
C. - g
B. -ng
A. na
9. Ang mga batas ay para sa kabutihan ng mga mamamayan. Anong pang-ukol ang ginamit sa pangungusap?
C. para sa
B. ng mga
A. sa
D. batas
10. Ayon kay Willie Revillame, siya ay magbibigay ng limang milyong pisong donasyon sa lalawigan ng Catanduanes. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
B. siya
A. Ayon kay
C, ng
D. donasyon
11. Mga palabas na itinatanghal sa entablado at pumapaksa sa pang-araw-araw na buhay.
D. Epiko
C. Dula
B. Maikling Kuwento
A. Tula
12. Sino ang kinikilalang Dios ng mga Muslim?
A. Allah
B. Panginoong Jesucristo
C. Rajah
D. Khalid
13. Mahalagang bahagi ng pagiging Muslim ang pagsasagawa ng pag-islam. Tukuyin ang pahayag kung_____________.
C. Gawa lamang ng tao
B. Makatotohanang Pangyayari
A. Hindi makatotohanan
D. Reaksyon
14. Ang Kalilang ay isang bahagi ng dula ng Datu Matu. Ano ang ibig sabihin ng salitang KALILANG?
A. Kampana
D. Pista/ Kapistahan
C. Sayaw at awitan
B. Kris
15. Kaninong pangalan ang unang dapat na marinig ng isang sanggol na muslim?
A. Pangalan ng kaniyang mga magulang
D. Datu Matu
B. Pangalan ng Ninong at Ninang
C. Kay Allah
16. Ilang taon isinasagawa ang pag-islam sa mga Muslim?
C. 2-8 taong gulang
A. 9-11 taong gulang
B. 3 buwan
D. 7- 10 taong gulang
17. Ito ay isinasagawa pitong araw pagkapanganak ng sanggol. Dito naghahanda ang magulang dahil sa pagkakaroon ng anak. Ito ay tinatawag na _______?
B. Adzan
C. Pegubad
D. Datu
A. Sunnah
18. Ano ang tawag sa paglilinis sa mga batang muslim na babae?
D. Sunnah
A. Datu
C. Muslim
B. Allah
19. Saan nagmula ang dulang Datu Matu?
B. Baguio
C. Cotabato
D. Makati
A. Sulu
20. Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian.
C. Hindi makatotohanan
D. Opinyon
B. Makatotohanan
A. Pagsusuri
Product knowledge is an essential sales skill. Understanding your products' features allows you to present their benefits accurately and persuasively. Customers respond to enthusiastic sales staff who are passionate about their products and eager to share the benefits with them.