Answer:
Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng mga mag-aaral, ang muling pagbubukas ng ating ikalawang tahanan, ang ating minahal na paaralan. Sa mahigit tatlong taong tayo ay nasa restricted lockdowns at kabi-kabilang pagtaas ng kaso ng pandemyang COVID-19. Marahil ang iba sa atin ay pagod hindi lang sa kanilang pisikal pati rin sa kanilang emosyon at mentalidad. Kasabay ng pagtaas ng COVID-19 ay pagtaas rin ng mga taong nangangailangan sa tulong ng mga sikolohikal. Bilang isang mag-aaral na sabik na sa pagpasok muli sa paaralan, kinakailangan kong ihanda muli ang aking pangangatawan nang sa gayon ay maging masigla ito hindi lang sa panlabas ngunit pati panloob.
Ito ang mga hakbang na aking ginawa upang mapaghandaan ang pagbubukas ng klase: Una, ako ay nagsimulang sanayin ang aking katawan sa paggising sa itinakdang oras ng pasok. Tayong mga tao ay may tinatawag na body clock na kung saan ay nasasanay ang ating katawan na para bang isang orasan. Kung ikaw ay pang-hapon dapat maaga kang matulog at gumising ng alas-nuwebe ng umaga o hindi naman kaya ay kung ikaw ay pang-umaga ay dapat alas-siyete ay matulog ka na nang magkaroon ng ng saktong tulog upang magising ng alas-singko ng umaga. Ikalawa, ako ay nagkaroon ng disiplina sa pagkain. Hindi natin maiiwasan na mayroon tayong mga cravings hindi naman masama na kumain tayo ng ating mga comfort foods ngunit ating iprayoridad ang mga masustansyang pagkain gaya na lamang ng mga protina, gulay, at prutas. Upang ganahan ako sa pagkain ng mga ito, pinagsasama-sama ko ito. Gumagawa ako ng sarili kong salad, halimbawa na lang ay ang mga giniling na baka at baboy ay hahaluan ko ng repolyo, kamatis, patatas, at mayonnaise. Maging malikhain upang maging maganang kumain. Ikatlo, pagkukundisyon sa aking isipan sa pamamagitan ng meditation at pagbabasa ng mga libro, nakakatulong ang mga ito upang ma-relax ang ating isipan at maehersisyo ito. Panghuli ay kausapin ang mga magulang. Mahalaga na bukas tayo sa aking magulang, mahirap magkimkim ng mga hindi masabing salita sa ating isipan kaya kailangan ikwento natin ito. Kung hindi naman ay pwede rin sa iyong pinagkakatiwalaang matalik na kaibigan at kasintahan.