Answer:
Mahalaga ang Ekonomiks sa ating buhay dahil dito tayo'y nakadepende. Sa pagtaas ng bilihin, ang ugnayan ng konsyumer at tindera, inflation, at iba pang tungkol sa pera, pananalapi, business, at mga batas na kaugnay dito.
Ito ang limang kahalagahan kung bakit kailangang pag-aralan ang asignaturang ekonomiks:
1. Mahalaga ito dahil ang ating matutunan sa ekonomiks ay tumutulong sa paglutas ng maraming mga problema at ang pag-aaral ay may mga praktikal na pakinabang sa ating bilang mag-aaral at mamamayan.
2. Mahalaga ito dahil ito ay magtuturo sa atin kung ano-ano ang mga makabagong pamamaraan ng produksyon upang makamit ang demand nating mamamayan.
3. Nakakatulong rin ang asignaturang ito upang matutunan natin kahit tayo ay mag-aaral pa lamang kung paano gamitin ng wasto ang salapi at matututunan ang importansya ng pagbabadyet ng ating mga pera.
4. Mahalagang pag-aralan natin ito upang malaman natin na kahit tayo ay estudyante pa lamang ay may ambag na tayo sa ating bansa gaya na lamang sa simpleng pagbili ng mga pagkain sa convenient stores, fast food restaurants, at iba't-ibang departamento sa Mall dahil ang mga binibili natin ay may Value-added taxes.
5. Mahalagang pag-aralan ito dahil maiintindihan natin ang iba't-ibang sektor kagaya na lamang sa pangingisda at agrikultura na kung saan alam natin kung gaano kahirap ang kanilang gawain upang mabigyan tayo ng makakain.